SINGING TECHNICAL ENGINEER MULA MALASIQUI, KILALANIN

Isang idol na naman ang ating aabangan mula Bayan ng Malasiqui ang magtataas ng bandera ng Pangasinan sa isang national singing competition.
Siya si Jemy Picardal mula Brgy. Amacalan, Malasiqui. Isang Technical Engineer na pinupursue ang isa pang niyang passion, ito ang pagkanta.
Binigyang rendition ni Jemy sa pamamagitan ng reggae version ang kantang Paano ni Pilita Corrales dahilan upang makapasok siya sa Top 15. Samantala mula sa kanyang Facebook account agad nagpasalamat si Jemy sa overwhelming support na kanyang natanggap.

Sa ngayon naghahanda na ito sa round 2 kaya naman sabay sabay nating subaybayan kung paano ilalaban ng ating pambato ang kampeonato. |ifmnews
Facebook Comments