MANGALDAN, PANGASINAN – Naramdaman sa pampublikong pamilihan sa Mangaldan ang nasa 160-170 pesos na presyo ng kada kilo ng sibuyas, mas mataas kesa sa presyo noong hulyo na nasa 120 pesos lamang ang kada kilo.
Kung titignan, tumaas ang patong sa presyo ng kada kilo ng sibuyas na abot hanggang singkwenta pesos kung saan isinaad ng grupong SINAG na hindi na umano kontrolado ang presyo ng sibuyas kung ganito na lamang ang itinaas ng patong kada kilo.
Galing na kasi umano ang mga ibinebentang mga sibuyas sa cold storage facility dahil wala nang nabibiling sibuyas a direkta sa mga onion farmers dahil hindi pa panahon para umani ng naturang produkto.
Ayon sa grupong SINAG, isa sa dahilan ng pagtaas pa ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan ay dahil sa farm gate price na malayo sa retail price at mga biyaherong nag-aangkat ng sibuyas.
Ang mga nagtitinda ng sibuyas nagsimula ng maramihang kumuha ng produktong sibuyas nang sa gayon ay makaiwas sila sa maaari pa itaas na presyo nito galing sa mga dealer at makontrol pa rin nila ng presyo ng kanilang pagbebenta.
Ang mga konsyumer naman gaya ng mga may negosyong karenderya at canteen, tingi-tingi muna ang binibiling sibuyas at pagkakasyahin na lamang muna ang kanilang mabibili na isinasakto nila sa kanilang mga budget.
Samantala, kahit pa tumaas ang presyo ng sibuyas ay sapat naman daw ang suplay nito sa mga storage facility at aabot pa naman hanggang buwan ng Disyembre. | ifmnews
Facebook Comments