SINGKWENTAY SINGKO ANYOS NA LALAKI SUGATAN MATAPOS MABANGA NG KULIGLIG SA BAYAN NG MANAOAG

61

MANAOAG, PANGASINAN – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang singkwentay singko anyos na lalaki matapos itong mabangga ng isang traktor sa bayan ng Manaoag.

Ang biktima ay nakilalang si Dominic Remillo samantalang ang driver ng kuliglig ay nakilalang si eustaquio sambit parehong residente ng nasabing bayan.


Sa imbestigasyon ng pnp bumibili sa isang tindahan sa gilid ng kalsada ang biktima ng mabangga ito ng kuliglig matapos mawalan ng kontrol ang driver ng kuliglig.

Bunsod nito ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan habang nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng kuliglig.

Facebook Comments