Single ticketing system, nakatakdang ipatupad ng LTO sa unang quarter ng 2023

Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang single ticketing system sa unang quarter ng susunod na taon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO Assistant Secretary Jay Art Tugade na patuloy ngayon ang isinasagawa nilang consultative meeting sa pagitan ng stakeholders.

Mayroon na aniya silang balangkas ng memorandum circular kaugnay rito at hinihintay na lamang nila ang feedback mula sa mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.


Sinabi pa ni Tugade, pangunahing target ng programang ito na ma-harmonize at makapagtatag ng isang common at unified penalty system sa mga lalabag sa mga batas-trapiko at malagyan ng demerit points ang mga pasaway na motorista.

Layunin din aniya ng single ticketing system na mapahusay o ma-improve ang sitwasyon ng trapiko, kasabay ng pag-monitor sa performance ng mga lokal na pamahalaan.

Siinabi pa ni Tugade na babantayan nilang maigi ang mga prebelehiyong ibinigay sa mga driver.

Dahil kung lalabag aniya ang mga ito sa mga batas trapiko, babawiin ang prebelihiyong ito at ibibigay sa mga karapat-dapat na tumanggap at responsableng mga driver.

Facebook Comments