Single-ticketing system sa Metro Manila, planong ipatupad sa unang bahagi ng taon

Plano ng Metro Manila Council (MMC) na ipatupad ang single-ticketing system sa National Capital Region sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ito ay sa sandaling maplantsa na ang lahat ng detalye ng bagong sistema.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Metro Manila mayors sa final draft para sa single-ticketing system.


Kabilang dito ang integration ng database, kung saan kailangan ang IT (information technology) intervention na makakatulong sa Land Transportation Office (LTO) na siyang may record ng driver’s license at registration ng mga sasakyan.

Plantsado na rin ang final draft ng Metro Manila Traffic Code, kabilang na ang memorandum of agreement ng LTO para sa interconnectivity sa mga local government unit, at draft ng MMC Resolution na naga-adopt sa Metro Manila Traffic Code.

Sa ilalim ng single-ticketing system, iisa na lang ang magiging presyo ng penalty sa traffic violation at maaari na rin bayaran ang penalty sa pamamagitan ng digital wallet o payment center at hindi na kukumpiskahin ang lisensiya ng motorista.

Facebook Comments