SINGLE-USE PLASTICS AT STYRO PRODUCTS, BAWAL NA SA POZORRUBIO

Istriktong ipatutupad ng Pozorrubio Municipal Environment and Natural Resources Office ang pagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng single-use plastics at styro products sa bayan.

Kasabay ng pagbabawal sa open burning at pagtutok sa waste management, layunin na maprotektahan ang kalusugan ng mga residente sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa bisa ng isang ordinansa, maaaring magmulta ng P500 hanggang P2500 at pagkakakulong ng anim na buwan ang sinumang mahuling lalabag.

Kaugnay nito, iminumungkahi ng tanggapan ang paggamit ng paper products upang mabawasan ang konsumo ng plastic sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments