SINGLE USE PLASTICS SA BANGAR, LA UNION, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Pinaigting sa Bangar, La Union ang pagpapatupad ng Provincial Ordinance No. 426-2023 bilang bahagi ng mas pinaigting na hakbang ng lalawigan ng La Union laban sa lumalalang suliranin ng polusyon sa kapaligiran.

Sentro ng ordinansa ang pagkumpiska at pagtutok sa mga gumagamit ng single use plastics sa mga pamilihan at iba pang establisyimento, na itinuturing na isa sa mga pangunahing mekanismo ng regulasyon upang mabawasan ang basurang plastik na nakasasama sa kalikasan, daluyan ng tubig, at kalusugan ng mamamayan.

Kabilang ang Bangar sa mga bayan sa lalawigan na aktibong tumutugon at sumusunod sa nasabing patakaran. Isinasagawa ang regular na monitoring at enforcement operations upang matiyak ang pagsunod ng mga establisyemento at mamamayan, kasabay ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa tamang solid waste management.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hakbang na ito ay hindi lamang para sa pagsunod sa batas kundi isang pangmatagalang pamumuhunan para sa pangangalaga ng kapaligiran at kapakanan ng susunod na henerasyon. Patuloy rin ang panawagan sa publiko na makiisa at maging responsable sa paggamit ng mga produktong maaaring makapinsala sa kalikasan.

Facebook Comments