China – Sa panahong patok ang mga big screen smartphones, isang mobile phone manufacturer ang gumawa ng cellphone na kasingliit naman ng hinalalaking daliri ng tao!
Ang Zanco Tiny T1 ay ina-advertise ngayon bilang pinakamaliit na mobile phone sa buong mundo.
Kasyang-kasya lang naman ito sa pinamaliit na bulsa ng pantalon at halos kasing-gaan lang ng isang pirasong barya!
Aabot naman sa 300 contact numbers ang pwedeng i-save dito.
Ayon kay Zanco founder Shazad Talib – nagsimula lang sa simpleng joke ang plano nilang paggawa ng tiniest mobile phone hanggang sa seryosohin nila ito at maisatuparan ang kauna-unahang Zanco Tiny T1 matapos ang 18 buwan.
At gaya ng ibang cellphones, meron itong alphanumerical keyboard, screen, 200mah (milliampere hour) battery na tatlong araw bago ma-lowbat.