SINIBAK | 10 miyembro ng drug enforcement unit ng Morong PNP, tinanggal sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang sampung kagawad ng drug enforcement unit ng morong police station sa Rizal.

Ito ay matapos ang pagkakasangkot ng isa sa mga miyembro ng drug enforcment unit ng Morong PNP sa pagri recycle ng nasamsam nilang iligal na droga.

Ayon kay Rizal Provincial Director Senior Supt. Lou Frias Evangelista, pansamantalang itatatalaga ang mga nasabing pulis sa Police holding and accounting unit sa Camp Crame habang isinasailiam sa imbestigasyon ang mga ito sa isyu ng iligal na droga.


Kahapon napatay sa operasyon ng PNP Counter Intelligence Task Force at PDEA si PO2 Gemmo Meneses makaraang manlaban sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Maybancal Morong Rizal.

Facebook Comments