SINIBAK | 2 opisyal ng PNP, tinanggal sa pwesto matapos ang nangyaring misencounter sa Samar

Sinibak na sa pwesto ang dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng misencounter sa pagitan ng army troops at mga pulis sa Samar.

Ito ay sina Superintendent Glen Oliver Cinco, officer-in-charge ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 8 at Chief Inspector Don Archie Suspeñe, commander ng 805th mobile company, RMFB 8.

Ayon kay Chief Director General Oscar Albayalde, inalis sa pwesto ang mga ito para sa ginagawang imbestigasyon.


Ang engkwentro ay naganap alas 9:27 Lunes ng umaga kung saan nagkasagupa ang mga tauhan ng 805th Company Ng Regional Mobile Force Batallion at mga miyembro ng 87th Infantry Battalion (IB).

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok bago nasabihan ang company commander ng 87th IB na mayroong mga pulis na nagsasagawa ng combat operation sa lugar.

Facebook Comments