SINIBAK | Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente, tinanggal sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Deputy Commissioner Noel Patrick Sales Prudente.

Ito ay kaugnay sa mga kwestiyonableng shipping containers na nakalusot sa Manila South Harbor.

Sabi pa ng Pangulo, labis din ang mga personal na biyahe abroad ng opisyal.


Si Prudente ay dating direktor ng Philippine National Railways (PNR) na na-appoint sa BOC nito lang Pebrero.

Siya ang ikalawang opisyal ng gobyerno na sinibak ng Pangulo ngayong Linggo kasunod ni Government Corporate Counsel Rudolf Philip Jurado.

Facebook Comments