SINIBAK | Jail officer na naka-duty nang masawi ang dalawang preso sa Pasay City Police Station, tanggal sa pwesto

Pasay City – Sinibak na sa pwesto ang naka-duty na jailer sa Pasay City Police Station-Station Drug Enforcement Unit Detention Cell dahil sa pagkamatay ng dalawang bilanggo.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Directo Tomas Apolinario, naging basehan ang pagiging pabaya sa trabaho ni Jailer PO1 Anthony Fernandez kaya at sinibak ito sa pwesto.

Matatandaan na namatay ang mga bilanggong sina Eduardo Angeles at Arman Castillo matapos na bugbugin umano ang mga ito ng iba pang inmates na si Benajamin Cruz at Mayor na si Elinoe Washington.


Limang mga bilanggo ang nagsabing binugbog nina Cruz at Washington pero ang dalawa ang siyang napuruhan kung saan ang dahilan ay hindi pagsunod ng mga ito sa mga patakaran sa loob ng piitan.

Facebook Comments