Manila, Philippines – Agad pinasibak sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang tatlong magkakapatid na pulis na nakuhaan sa video na kinompronta ang isang lalaki dahil sa away trapiko.
Kinilala ang mga pulis na sina PO3 Ralph Soriano ng Northern Police District (NPD), PO1 Reniel Soriano ng Drug Enforcement Group sa Camp Crame at PO1 Rendel Soriano ng Caloocan Police Station.
Naging viral ang video ng tatlo sa social media kung saan naka-civilian ang mga ito pero may nakasukbit na baril sa mga bewang nang sugurin ang lalaking si Ricardo Malaya.
Naganap ang away trapiko na kinasangkutan ni PO1 Reniel sa Mabini Street sa Caloocan City kung saan sumugod naman ang mga kapatid nitong sina PO1 Rendel at PO3 Ralph.
Iniutos agad ni Caloocan City Police Chief Senior Superintendent Restituto Arcangel na imbestigahan ang tatlong pulis na posibleng maharap sa kasong grave threat, grave oral defamation at alarm and scandal matapos ang reklamong inihain ng pamilya ni Malaya.
SINIBAK | Magkakapatid na pulis na nag-viral sa social media, sinibak sa pwesto
Facebook Comments