Hindi kabilang sa watchlist ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak na si Bacolod City chief of police, Sr/Supt. Francisco Ebreo.
Matatandaang inalis sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ebreo at apat na iba pa dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay PNP Chief, Director Gen. Oscar Albayalde – mahusay sa hepe si Ebreo pero hindi nila inaalis ang posibilidad na sangkot ito sa illegal drug activities.
Giit pa ni Albayalde – wala silang karapatan para kwestyunin ang direktiba ni Pangulong Duterte lalo at unlimited ang sources of information nito.
Tiniyak ng PNP na mabibigyan ng due process si Ebreo at iba pang opisyal.
Facebook Comments