Sinibak na Bacolod police chief, protektor ng ilegal na droga – Du30

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng ilegal na droga ang sinibak na Bacolod chief of police na si Senior Superintendent Francis Ebreo.

Ayon kay Pangulong Duterte – hindi kumikilos para mag-imbestiga si Ebreo tungkol sa drug trafficking sa kanilang lugar.

Pagtataka pa ng Pangulo – kung bakit personal na pinuntahan ni Ebreo at deputy niya sa ospital ang isang na-ambush na konsehal na matagal nang dawit sa ilegal na droga.


Pinababantayan din aniya pa ang konsehal sa mga pulis.

Una nang itinanggi ni Ebreo na sangkot siya sa ilegal na droga na humarap sa Pangulo nitong Lunes, Enero 14.

Facebook Comments