Sinibak na BuCor Chief Nicanor Faeldon, ‘no show’ sa pagdinig kahit may subpoena mula sa senado

‘No show’ sa pagdinig ng senado ngayong araw ang sinibak na si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, nag-abiso sa kanya ang abogado ni Faeldon na hindi ito makakadalo sa pagdinig sa kabila ng inilabas na subpoena ng senado.

Gayunman, pinuri ni Gordon ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Faeldon.


Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi bababa sa 10 heinous crime convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko na matapos ang naging utos ni Pangulong Duterte kagabi.

Tiniyak din ng kalihim na lagi silang magbibigay ng update sa senado hinggil sa pangalan ng mga sumuko na pero hiniling na isapribado muna ito.

Facebook Comments