Sinibak na DILG Secretary Mike Sueno, handang humarap sa anumang imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan

Manila, Philippines – handang humarap sa anumang imbestigasyon ang sinibak na DILG Secretary Mike Sueno para linisin ang kanyang pangalan sa mga anomalya umanong kanyang kinakaharap.

Una nang nirerespeto ni Sueno ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa puwesto.

Pero iginiit ni Sueno na hindi siya corrupt na opisyal at wala siyang kinalaman sa ipinupukol sa kanyang alegasyon ng katiwalian ng ilang sektor at mga kasamahan nito sa ahensya.


Bagamat masama ang loob ng dating kalihim pero taos-puso niyang tinatanggap ang naturang desisyon ng pangulo, subalit, nais niyang ipaalam kay Pangulong Duterte ng buong katapatan at sinseridad…na hindi siya tiwaling opisyal ng gobyerno.

Paliwanag ni Sueno na posibleng nabigyan ang Presidente ng mga maling impormasyon ng sinumang nagbabalak sa kanyang posisyon sa simula pa lang ng kanyang panunungkulan sa DILG.

Giit ni Sueno, sana man lang vinalidate muna ng Pangulo ang mga ibinibigay sa kanyang impormasyon at nagtanong din sa lahat ng mga empleyado ng DILG para nalaman nito kung sino talaga ang karapat dapat at mapagkakatiwalaan sa ahensiya

Silvestre Labay

Facebook Comments