Sinibak na empleyado ng Smartmatic, nagsumite ng mga pangalan na sangkot sa ’di umano’y data breach – Sotto

2517

Ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na nakapagsumite na ng pangalan ang dating empleyado ng Smartmatic na sangkot sa ’di umano’y data breach.

Ito ang sagot ni Sotto kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang data breach issue.

Mababatid na nasa kustodiya ng NBI ang naturang Smartmatic employee.


Ayon kay Sotto, tanging datos patungkol sa internal at organization at activities ng Smartmatic ang leak base sa ibinahaging pahayag ng empleyado.

Siniguro naman ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila hahayaang makokompromiso ang tiwala ng tao sa sistema ng halalan kasunod ng pag-usbong ng data breach incident.

Facebook Comments