Sinibak na mga pulis Caloocan na hindi makakatapos sa retraining, kakasuhan

Manila, Philippines – Mahaharap sa kasong Grave neglect of duty ang mga pulis Caloocan na hindi makaka-kumpleto ng 30 araw na retraining course sa Camp Bagong-Diwa.

Ito ang sinabi ni dela Rosa sa isang briefing matapos humarap sa mahigit isang libong pulis Caloocan na nagsimula sa kanilang retraining kahapon.

Nilinaw ni dela Rosa na hindi parusa ang pagsasilalim sa retraining ng mga pulis, kundi pagkakataon na binibigay ng PNP sa mga pulis upang mapahusay ang kanilang sarili.


Hinimok naman ni dela Rosa ang mga pulis na samantalahin ang pagkakaton na ito para maging mas mabuting pulis.

Sinabi ni dela Rosa na ang training ay binubuo ng mga lecture at practical exercises na sesentro sa values formation, maliban sa una nang inihayag na pag-review sa tamang police operational procedures.

Ayon Kay dela Rosa, maliban sa mga pulis na nasangkot sa ilang kontrobersyal na kaso tulad ng mga pulis na sankot sa pagpatay kay Kian Delos santos at Carl Angelo Arnaiz, at doon sa mga nanloob sa isang pribadong tahanan, proud parin siya sa mga pulis Caloocan dahil sa kanilang pangkalahatang tagumpay sa war on drugs.

Facebook Comments