Naghain ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa sinibak na Police Director ng Puerto Princesa City na si Col. Marion Balonglong.
Nag-ugat ito sa ilegal na pag-aresto at pambubugbog ng police officer sa walong (8) empleyado ng DENR noong Hunyo 10, 2020.
Kabilang sa mga kasong kinahaharap ni Balonglong ay: torture, unlawful arrest, slight physical injuries, obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders at graft and corruption.
Bukod dito, nahaharap din si Balonglong sa kasong administratibo tulad ng grave misconduct, grave abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of the service at paglabag sa Republic Act 6317 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Sa labing-walong pahinang reklamo, idinetalye ng DENR ang ginawang illegal arrest at pambubugbog ni Balonglong sa walong manggagawa na nakatalaga sa Community Environment and Natural Resources Office sa Puerto Princesa.
Base pa sa reklamo, kinakailangan ding papanagutin si Balonglong sa paglabag sa guidelines at protocols para sa social distancing habang nasa state of emergency ang bansa dahil na rin sa COVID-19 pandemic.