Sinibak na si DILG Sec. Mike Sueno – itinanggi ang mg a alegasyon ng katiwalian at korapsyon laban sa kanya

Manila, Philippines – Kasunodng pagsibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, mariing itinanggi ngayon ni DILGSec. Ismael Sueno ang mga alegasyong pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon.

 

Kasunod na rin ito ngibinabato sa kanya ng tatlong DILG undersecretaries na sina John Castriciones (operations),Jesus Hinlo (public safety) at Emilie Padilla (legislative liaison and specialconcerns).

 

Ayon kay Sueno – sa tagalniya sa public service, kahit kailan ay hindi nito ginamit ang kanyang pwestopara magpayaman at sa pansariling interes.


 

Itinanggi ng kalihim nasa kanya ang hotel at rice business sa South Cotabato at ang tanging pag-aarilang aniya nito ay ang farm na napaunlad niya sa pagtitiyaga.   

 

Tutol din aniya ito sakorapsyon, tulad ni Pangulong Duterte at hindi ito totoo na nangongolekta siyasa iligal gambling.

 

Ayon kay Sueno –paninira lamang ito ng tatlong undersecretaries na nainis ng bawasan niya angkapangyarihan ng mga ito at ilipat ang ilang proyekto sa iba dahil walangnangyayari.  

 

Una nang sinabi ni PresidentialSpokesman Ernesto Abella na sinibak sa pwesto si Sueno matapos mawalan ng“trust and confidence”ang pangulo.

 

Facebook Comments