Sinibak na Undersecretary ng DOLE, may panibagong posisyon sa gobyerno

Manila, Philippines – Inilipat lang sa ibang puwesto sa parehong kagawaran si dating Labor Undersecretary Joel Maglunsod na una nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inilabas ng Malacañang na appointment papers ngayong araw ay may petsang January 25, 2019 nilagdaan ang appointment paper ni Maglunsod bilang Executive Director III ng National Maritime Polytechnic ng Department of Labor and Employment.

Matatandaan na sa isang talumpati ni Pangulong Duterte ay inanunsiyo nito ang kangyang pagsibak kay Maglunsod dahil hindi umano nito napigilan ang pagrarally ng mga manggagawa at sinabing imbes na maging solusyon ay ito pa ang nagudyok sa mga ito na magkilos protesta.


Wala namang masabi si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo sa pagkakareappoint kay Maglunsod.

Ngayon lang din inilabas ng Malacañang ang mga appointment papers nila Secretary Eduardo Año, Secretary Rolando Bautista at CSC Commissioner Aileen Lizana na mga napirmahan noon pang nakaraang Disyembre.

Facebook Comments