SINIGURADO | Mga NPA na magdiriwang ng Pasko, hindi huhulihin

Manila, Philippines – Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi aarestuhin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na bababa mula sa mga bundok para magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga pamilya sa panahon ng unilateral ceasefire.
Ito ang sinabi ni Dela Rosa matapos ianunsyo ng Department of National Defense (DND) na magkakaroon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) kontra sa NPA.
Magiging epektibo simula alas-6:00 ng gabi mamaya hanggang alas-6:00 ng gabi ng December 26, ganun din mula December 30 hanggang January 2, 2018.
Ilan naman sa mga kundisyon ay ang hindi pagdadala ng armas ng mga NPA, wala din dapat silang gagawing anumang krimen o paglabag sa batas at walang pending na warrant of arrest.
Dahil sa pagdedeklara ng Pangulo ng ceasefire, magkakaroon ng pagkakataon ang mga pulis at militar, maging mga rebeldeng komunista na makasama ang kanilang pamilya ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments