SINIGURO | Ayuda sa mga biktima ng bagyo, tiniyak ni PRRD

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mahigpit ag pagbabantay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong na ipinaaabot ng Pamahalan sa mga nabiktima ng Bagyong Ompong.

Ito ay sa harap ng utos ni Pangulong Duterte sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na siguraduhing maibibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Ayon kay Go, mahigpit ang monitoring nila ni Pangulong Duterte sa mga tanggapan ng pamahalaan kung saan sinisiguro aniya nila ng Pangulo na nakararating sa mga biktima ang ayuda ng National Government.


Tiniyak din naman aniya ni Pangulong Duterte kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos na hahanap ng paraan para matugunan ang hiling nito na pabahay sa mga nawalan ng tahanan matapos masalanta ng bagyo.

Maliban sa Ilocos Norte, Cagayan at iba pang lugar sa Northern Luzon ay binisita din ng Pangulo ang Itogon Benguet kung saan personal siyang nakiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Facebook Comments