SINIGURO | DepEd, tinitiyak na hindi mapag-iiwanan ang mga estudyante sa Albay

Albay, Philippines – Gumagawa na ng paraan ang Department of Education para makapagsagawa ng klase sa mga estudyante sa Albay.

Ayon sa DepEd, nagtatayo na sila ng mga tent upang gawing learning centers.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mapupunuan ang 3 linggong pagkaka antala ng klase sa lugar dahil parin sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.


Tinitiyak din ng ahensya na kanilang tinututukan ang nutrisyon ng mga bata at pawang masusustansyang pagkain lamang ang kanilang kakainin para mayruon silang sapat na lakas sa kanilang pag-aaral.

Facebook Comments