SINIGURO | DOE, tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente ngayong dry season

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang
suplay ng kuryente para sa panahon ng tag-tuyo o dry season.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, malabong maranasan sa Abril at Mayo
ang power interruptions.

Siniguro rin ng kalihim na patuloy nilang binabantayanang energy rates para
maiwasan ang anumang hindi inaasahang taas-singil sa kuryente.


Nabatid sa mga nakalipas na taon ay malimit maranasan ang power
interruption dahil sa mataas na demand pero mababang suplay ng kuryente.

Facebook Comments