SINIGURO | Labor Department, kinumpirma ang pagkakaroon ng umento sa sahod

Manila, Philippines – Posibleng maipatupad ang umento sa sahod sa mga manggagawa sa Hunyo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kahit hindi malinaw kung magkano ang magiging umento sa sahod, posibleng maging fixed rate ito sa lahat ng rehiyon.

Subalik malabo pa aniya ang hinihinging P750 na national minimum wage na inihain ng Makabayan bloc.


Nabatid na maging ang ECOP o Employers Confederation of the Philippines ay tutol din sa panukalang P750 na minimum wage dahil maliit na porsyento lang ang makikinabang sa panukala.

Facebook Comments