Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling isa sa mga prayoridad ng kanyang Administrasyon ang mapagkalooban ang mga Pilipino ng maayos na healthcare system.
Sa 85th Annual National Convention of the Philippine Public Health Association na isinagawa sa Davao City ay sinabi ng Pangulo na patuloy na magta-trabaho ang kanyang Administrasyon upang maabot ang target na maging libre na ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.
Sinabi ng Pangulo, hindi siya magdadalawang isip na ibuhos ang pondo para sa health care service gayung ang makikinabang naman dito ay ang sambayanang Pilipino.
Dag-dag pa nito, Basta’t sa ikabubuti ng mga Pilipino ay palaging bukas ang kanyang pananaw at gugulin ang resources ng pamahalaan para sa bayan.
Kaugnay nitoy inatasan na ng Presidente ang health personnel na makipag -uganayan na sa mga barangay health workers upang magsagawa ng health monitoring sa mga komunidad.
Una nang sinetripikahang Urgent ni Pangulong Duterte ang Universal Health Coverage Bill upang mabigyang ng mabuting health care services ang mga Pilipino.