Manila, Philippines – Hindi na malayang makakapaglunsad ng anumang terroristic activates ang local terrorist groups sa bansa.
Pahayag ito ni AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, matapos ang kagustuhan ng pamahalaan na ikonsiderang terorista si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison at 648 pang indibidwal.
Paliwanag ni Datuin, nabawasan na ang pwersa ng mga kalabang terorista at hindi na rin aktibo ang kanilang ginagawang recruitment dahil maging ang lokal na pamahalaan ay nakikipagtulungan upang mapigilan ang kanilang pagre-recruit.
Kasabay nito mas mahigpit ang pagbabantay ng militar sa mga urban centers na base sa kanilang monitoring ay target na atakihin ng mga terorista.
Facebook Comments