Manila, Philippines – Mismong Sumakay ng pampasaherong jeepney si LTFRB Board Member Aileen Lizada para alamin kung tama ang paniningil ng pamasahe ng mga PUJ driver.
Kasama ang mga kasapi ng media, sumakay si Lizada mula Cubao hanggang SM Fairview .
Wala namang nakitang paglabag si Lizada, tama din ang trenta pesos siningil ng driver .
Batay sa fare matrix, 30 pesos ang pamasahe para sa layong 19 kilometers.
Ginawa ni Lizada ang palihim na pagsakay kasunod naman ito ng mga sumbong na may pasaway na driver ang nagbaba sa point to point pero ang pamasahe sa dulong biyahe ang sinisingil.
Halimbawa kahit sa Sandiganbayan ang baba ng pasahero, sa halip na disi otso pesos, trenta pesos pa rin ang singil ng ilang pasaway na tsuper.
Gayundin, sinubok din ni Lizada kung sumusunod ang mga tsuper sa pagbibigay ng discount sa mga estudyante.
Ayon pa kay Lizada, ang mga napag-alaman niya sa pag undercover niya ngayong araw ay magiging batayan nila sa pag-apruba sa fare hike petition ng mga PUJ.