SINIGURO | Maayos na monitoring at mabilis na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Ompong, tiniyak

Manila, Philippines – Inatasan na ni Dept. of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang lahat ng sectoral offices at attached agencies ng ahensya na paigtingin ang mga hakbang para tulungan ang mga lugar at mga residenteng naapektuhan ng typhoon Ompong.

Nais ng kalihim na mapanatili ang maayos na koordinasyon, komunikasyon at pagtataguyod ng ‘bayanihan’.

Tiniyak ni Tugade sa publiko na ang ahensya at mga attached-agencies nito ay handang ibigay ang kanilang serbisyo.


Binigyan diin pa ni Tugade ang kahalagahan ng komunikasyon sa oras ng kalamidad.

Lahat ng communication platforms ng ahensya ay naghahatid ng real-time at relevant information hinggil sa trip advisories at kondisyon ng iba’t-ibang transport hubs.

Prayoridad ng DOTr na maibalik sa normal na operasyon ang mga transport facilities na naapektuhan ng bagyo sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments