SINIGURO | Malacañang, tiniyak na pangangalagaan ang karapatang pantao sa extended na Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa pagbibigay pa ng go signal sa Extension ng Martial Law sa Mindanao ng isang taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, makakaasa ang publiko na magkakaroon ng mas malaking progress sa paglaban sa nagpapatuloy na rebelyon sa rehiyon.

Tiniyak din ni Panelo na patuloy na itataguyod ng Pamahalaan ang pangkalahatang seguridad sa rehiyon.


Binigyang diin din ni Panelo na mapoprotektahan ang karapatang pantao at tatalima ang security forces ng Pamahalaan sa mga nakalatag na batas sa mandatong protektahan ang taumbayan sa isang taong extension ng Martial Law.

Matatandaan na kaninang umaga ay tinalakay sa Joint Session ang Martial Law at sa botong 235 na pumabor sa extension ng Martial law habang 28 ang di pumabor at isa naman ang 1 naman ang nag abstain.

Facebook Comments