SINIGURO | Malacañang, tiniyak na walang pork barrel sa 2019 national budget

Manila, Philippines – Pinawi ng Palasyo ng Malacañang ang pangamba ng ilan na baka magkaroon ng Pork Barrel ang proposed 2019 National Budget na una nang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na mayroon paring pork barrel sa proposed budget na nagkakahalaga ng bilyon bilyong piso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretasy Harry Roque, porsigido si Pangulong Duterte na labanan ang katiwalian sa gobyerno at ginagarantiyahan din ni Roque na walang pork barrel sa 2019 National budget.


Binigyang diin ni Roque na hindi matatanggap ni Pangulong Duterte na mayroong pork barrel dahil hindi nito kukunsintihin ang pag-abuso sa pondo ng amahalaan lalo na ng mga mambabatas.

Sinabi din ni Roque na matagal nang mambabatas si Lacson at alam na nito ang kanyang sinasabi.

Facebook Comments