Manila, Philippines – Tinyak ng Palasyo ng Malacañang na walang kinalaman ang pagpapadala ni Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa mga lalawigan ng Samar, Negros Oriental at Occidental at Bicol region.
Ito ang sinabi ng Malacañang bilang sagot sa mga pangamba ng ilang sector na baka magamit sa halalan ang karagdagang puwersa ng mga sundalo at pulis sa darating na halalan pabor sa mga kandidato ng Administrasyon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, malinaw naman na nakasaad sa inilabas na Memorandum Order Number 32 na ang pakay ng pagdodoble ng puwersa ng AFP at PNP sa mga nabanggit na lalawigan ay para labanan ang lawless violence at terorismo sa mga lugar na ito.
Paliwanag pa ni Panelo, maraming mga mga seryosong insidente ng paglabag sa karapatan ng mga sibilyan na ginagawa ng mga criminal sa 4 na lalawigan.
Matatandaan na pinuna narin ni Senador Panfilo Lacson ang nasabing kautusan ng Pangulo dahil maaari naman aniyang hindi ito isinapapel at direktang atasan nalang ang PNP at AFP na magpakalat ng puwersa sa mga lugar na kinakailangan.