SINIGURO | Mga baril na nakuha sa mga ipinasarang security agency, tiniyak ng PNP na hindi magagamit pa

Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Civil Security Group Director na hindi magagamit pa ang mga narekober at mga isinukong mga long at short firearms ng mga ipinasarang security agency dahil sa ibat ibang paglabag.

Ito ay sa harap na rin ng pangamba ng ilan na maaring magamit pa ang mga baril na ito sa mga operasyon o umanoy pagtatanim ng baril sa mga napapatay na mga kriminal o drug suspect.

Ilan kasi sa mga narekober na baril ay kalibre 38 na malimit na makikita sa kamay ng mga napapatay na mga kriminal sa mga operasyon ng mga pulis.


Pero giit ni Cascolan hindi gawain ng mga pulis ang magtanim ng baril sa mga napapatay na kriminal sa operasyon para masabi lang na nanlaban ito kaya napatay.

Aniya ang mga nakumpiskang mga baril ay itu iturn over sa PNP firearms and Explosive Office para sa safekeeping.

Mula July 2018 hanggang ngayong Agosto nang simulang iisyu ng PNP CSG ang mga cease to Operate ng 451 na mga security agency ay umabot nasa sa 531 na mga baril ang kanilang narerekober.

Facebook Comments