SINIGURO | Mga mangingisda sa Zambales pinulong na ng militar at DFA

Zambales – Kinakausap na ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ng mga lider ng Local Government Units (LGU) ng Zambales ang mga mangingisda na pumapalaot at nangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sinisiguro nila na ang kaligtasan ng mga ito ang kanilang prayoridad kasunod narin ng ginagawang pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda.

Paliwanag pa ng kalihim noong ipinagdiwang ang ika-120 taong Araw ng Kasarinlan kamakailan, kung saan panauhing pandangal si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi dito na dapat hayaang makapangisda ng ligtas ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.


Kasunod nito tiniyak ni Cayetano na tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapatrolya ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Facebook Comments