Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na mabibili na ang NFA rice sa mga pamilihan sa buong bansa.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay NFA Spokesman Rex Estoperez, inaasahang ngayong linggo ay maide-deliver na rin ang NFA rice sa mga lugar na wala pang stock nito.
Tiniyak din ni Estoperez na sa susunod na linggo ay mabibili na rin sa mga pamilihan ang mas mataas na kalidad ng NFA rice na nagkakalaha ng P32 kada kilo.
Kahapon, sinimulan nang ibenta sa mga palengke sa metro manila ang P27 kada kilong NFA rice.
Pero itinakda sa limang kilo kada konsumer muna ang limit ng pagbili nito hanggang maging stable ang supply ng NFA rice.
Kasabay nito, siniguro ng NFA na hindi na mauulit ang pagkaubos ng buffer stock ng NFA rice.
Inaasahan rin ng NFA na bababa ng piso ang presyo ng commercial rice ngayong may NFA rice na sa pamilihan.