MANILA – Ito’y matapos aprubahan ng ahensiya ang P30 na flagdown rate sa mga taxi sa buong bansa kasunod ang mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic and Development Authority (NEDA).Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez – epektibo ang bagong singil sa March 19 pero hindi kasama ang Cordillera Administrative Region.Permanente na rin ang P60 na flagdown rate sa mga airport taxi at apat na pisong patak para sa kada limang daang metro at 90 segunong waiting time.Samantala, ikinalungkot naman ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) ang naging desisyon ng LTFRB.Sa interview ng RMN kay PNTOA President Bong Suntay — malaki umano ang mawawala sa kita ng mga taxi driver dahil bukod sa sampung pisong bawas pasahe, dinagdagan pa ng 200-metro ang takbo bago ipatak ang P3.50 dagdag sa singil.Bukod dito, posible rin umanong mas lumala ang isyu ng pananamantala o pangongontrata ng mga taxi driver dahil sa nasabing desisyon.
Siniguro Ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (Ltfrb) Na Mapaparusahan Ang Mga Taxi Driver Na Hindi S
Facebook Comments