SINIGURO | Operasyon ng paliparan, hindi maapektuhan kasabay ng pagdating ni Chinese President Xi Jinping – MIAA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA na hindi makakaapekto sa operasyon ng mga paliparan sa bansa ang pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, hindi maaantala ang mga lalapag at aalis na mga eroplano kahit matapat ito sa pagdating ng Chinese President.

Aniya, nakahanda rin ang kanilang mga tauhan na umalalay sa pagsalubong sa Chinese President.


Gayunman, ang protocol pa rin aniya ng malacañang ang masusunod sa pagdating ng isang head of state.

Facebook Comments