SINIGURO | Pagdinig ng Senado sa 2016 Election Fraud, hindi makakaapekto sa mga nakabinbing kaso sa SET at PET

Manila, Philippines – Hindi hahayaan ni Senator Francis Chiz Escudero na maka-apekto sa mga kasong nakabinbin sa Senate Electoral Tribunal at Presidential Electoral Tribunal ang gagawin nilang pagdinig ukol sa umano’y dayaan noong 2016 Presidential Elections.

Si Escudero, ang Chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System na siyang magsasagawa ng pagdinig sa nabunyag na mga iregularidad ng nagdaang halalan.

Pagtiyak pa ni Escudero, hindi niya pahihntulutan ang alinmang partido na samantalahin ang kanilang gagawing pagdinig.


Pinaplantsa na ni Escudero ang petsa at mga iimbitahan sa hearing.

Kasunod ito ng pagbubunyag ni Senate Majority Leader Tito Sotto III ng mga ebidensya ng iregularidad sa election tulad ng maagang transmission of votes at pagkakaroon ng foreign access sa ating Election Server.

Magugunitang sa huling pulong ng oversight committee ay isiniwalat naman ni Escudero na isang dating Election Official ang nagbigay sa kaniya ng dokumento na nagpapakita ng hindi pagkakatugma ng mga data buhat sa vote counting machines na ginamit sa tatlong rehiyon.

Ayon kay Escudero, mayroon umanong back up na SD Cards ng makina ang nag-save ng data na iba sa nilalaman ng main driver nito na posibleng nakaapekto sa bilang ng mga boto.

Facebook Comments