SINIGURO | Pagsugpo as terorismo, nanatiling prayoridad ni PRRD – Malacañang

Manila, Philippines- Tinyak ng Palasyo ng Malacañang na gagawin ng Administrasyon ang lahat para mabigyan ng solusyon ang problema sa rebelyon at terorismo sa bansa.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa lumabas na global terrorism index 2018 ng Institute for Economics and Peace na ika-10 ang Pilipinas sa mga bansang apektado ng terorismo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, prayoridad ng Administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayan at kaayusan sa bansa.


Isa aniya ito sa dahilan kung bakit inilabas ng Pangulo ang Proclamation number 216 na siyang nagdedeklara ng Martial Law Mindanao at pagpapalawig ng pagpapatupad nito para matuldukan na ang terorismo sa Mindanao.
Bukod aniya dito ay inilabas din ni Pangulong Duterte ang Memorandum Order number 32 na naglalatag ng mga panuntunan sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagsugpo sa Lawless Violence at mayoon din aniyang Executive Order number 70 na bubuo sa isang National Taskforce para labanan ang rebelyon sa bansa.

Facebook Comments