SINIGURO | Pilipinas, hindi mababaon sa utang

Manila, Philippines – Tiniyak ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi mababaon sa utang ang Pilipinas.

Kasunod ito ng babala ni U.S. Vice President Mike Pence na malulugmok sa utang ang mga bansa na humihiram ng pera sa China.

Ani Diokno – 9 billion dollars ang pondong nais makuha ng Pilipinas mula sa China para maisakatuparan ang pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga proyektong pang-imprastruktura sa bansa.


Sa halip, naniniwala si Diokno na magkakaroon pa nga ng mas magandang epekto ang pagbisita sa bansa ngayong araw ni Chinese President Xi Jinping.

Inaasahan kasi aniya na nasa dalawampung proyekto sa ilalim ng build-build-build program ng Administrasyong Duterte ang mapopondohan sa pakikipag-kasundo ng Pilipinas sa China.

Nabatid na mahigit sampung porsyento sa budget ng bawat proyekto ang kikitain ng Pilipinas sakaling matapos ang mga konstruksyon, gaya ng Manila-to-Bicol at Mindanao Rail Way Project.

Ilan pa sa nakalinyang pag-uusapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi ay ang proyektong magpapaunlad sa ekonomiya ng dalawang bansa.

Facebook Comments