Manila, Philippines – Siniguro ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi mapapabayaan ang kampanya kontra iligal na droga, ito ay sa kabila ng pagtutok ng kanilang hanay sa panghuhuli ng mga tambay.
Paglilinaw ni Albayalde, mayroong mga pulis ang partikular na tututukan ang operasyon kontra iligal na droga, habang mayroon ring grupo ng mga pulis ang rumoronda at naninita sa mga tambay.
Malinaw aniya na lahat ng miyembro ng Drug Enforcement Units ay operasyon kontra droga lamang ang kanilang tututukan.
Hindi kasi aniya maaaring pabayaan ang War On Drugs, lalo at malaki pa rin ang problema ng Pilipinas, sa iligal na droga.
Facebook Comments