SINIGURO | PNP, tiniyak na tutukan ang kaso ng pagpatay sa abogado sa Negros Occidental

30

Manila, Philippines – Iniutos na ni Police Chief Supt. John Bulalacao ang Regional Director ng Police Regional Office 6 sa kanyang mga tauhan ang pagtutok sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa isang abogado sa Kabankalan City Negros Occidental.

Ayon kay Bulalacao, tinitiyak nila sa pamilya ng biktimang si Atty. Benjamin Tarug Ramos Jr. na gagawin nila ang lahat upang maaresto ang suspek at mapanagot ito.

Kinokondena aniya nila ang pamamaslang na ito sa abogado.

Si Ramos ay Founding member ng National Union of People’s Lawyers at nagsisilbing abogado sa mga hinihinalang rebelde at mga drug suspects.

Kagabi ay pinagbabaril ang biktima nang hindi pa nakikilang mga suspek pero idineklarang dead on arrival sa Holy Mother Mercy Hospital sa Kabankalan City matapos magtamo ng tatlong tama ng bala ng baril.

Facebook Comments