Manila, Philippines – Siniguro ng pamunuan ng Philippine National Police na makikipagtulungan sila sa Department of Environment ang natural Resources para labanan ang mga umaabuso sa kalikasan.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana anumang tulong na kanilang kayang maibigay sa DENR ay ibibigay nila.
Ito ay upang maprotektahan ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon o tinatawag aniyang sustainable development.
Matatandaang una nang inanunsyo ni DENR Secretary Roy Cimatu na bawal nang mag operate ang mga illegal small scale mining.
kasunod ito ng pagkakadiskubre sa malawakang illegal small scale mining sa CAR na isa sa dahilan ng pagguho ng lupa at pagkasawi ng maraming indibdiwal ng manalasa ang bagyong Ompong.
Facebook Comments