
Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila bibigyan ng special treatment si Sen. Antonio trillanes iv.
Ito ay sakaling magdesisyon ang korte sa kasong kudeta laban sa kanya.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – magiging mahigpit sila sa pagpapatupad ng visiting hours kay Trillanes na nakadepende sa guestlist na ibibigay ng Senador.
Hindi rin aniya magkakaroon ng tiyansa na magkausap o magkita si Trillanes sa ilang prominenteng personalidad na nakakulong sa custodial center tulad nina Sen. Leila de Lima at dating Sen. Bong Revilla.
Bagama’t nakapagpiyansa sa kasong rebelyon sa halagang ₱200,000, ang kasong kudeta ng Senador ay nananatiling non-bailable.
Facebook Comments









