SINIGURO SA PUBLIKO | P27 na NFA rice, babalik sa pamilihan sa Mayo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa susunod na buwan ay makakabili na ng murang bigas ang publiko na ibinebenta ng National Food Authority.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, sigurado na ang pagdating ng suplay ng NFA mula Mayo hanggang Hunyo.

Sa huling linggo ng Mayo inaasahang dadating ang inangkat na murang bigas ng bansa kung kayat magkakaroon na ulit ng P27at P32na NFA rice sa mga pamilihan.


Kanina, magkakasamang nagsasagawa ng Rice Watch ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga pamilihan.

Ito ay upang matiyak ang sapat na supply at makatwirang mga presyo ng bigas para sa proteksyon ng mga mamimili at pati na rin ng negosyo.

Unang binisita ng Rice Watch ang Cartimar Market, sunod naman ang Pasay Public Market.

Facebook Comments