Manila, Philippines – Ipinakita ni Special Assistant Secretary Christopher “Bong” Go sa pamamagitan ng isang facebook live na wala sa state of coma si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ng Pangulo sa facebook post ni Communist Party of the Philippine Founding Chairman Joma Sison na may sakit at comatose ang Pangulo.
Ayon sa Pangulo, kahit wala nang silbi sa mundo si Sison sana ay bigyan pa ito ng mahabang buhay.
Pagtitiyak ni Duterte, maayos ang kaniyang kalagayan at imposibleng comatose siya lalo na at siya ay gising.
Giit pa ng Pangulo, si Sison ang tunay na may sakit at labas masok na rin ito sa ospital sa The Netherlands.
Hinimok rin niya si Sison na kung ito ay may sakit ay umuwi na sa bansa at kanya itong dadalhin sa Bilibid at ibibigay ang kanyang mga pangangailangan.