SINIGURO | Sapat na pondo para sa universal health care, tiniyak ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na mayroong pondo para sa pagpapatupad ng universal health care maipasa man o hindi ang panukalang itaas ang buwis sa tobacco products o sigarilyo.

Pahayag ito ni Sotto makaraang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque sa budget hearing ng senado kanina na walang garantiya sa 257-billion pesos na pondo para sa unang taon ng impelementasyon ng universal health care.

Pero diin ni Sotto, may sapat na salaping pantustos para sa universal health care na nakapaloob sa 74.1-billion pesos na panukalang pondo para sa Department of Health sa susunod na taon.


Sa katunayan, ayon kay Sotto, may ilang bilyong piso pa nga sa budget ng DOH ang binawas ng Dept. of Budget and Management dahil sobra o hindi nagagamit.

Paliwanag naman ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito, kasamang bubuo sa pondo para sa universal health care ay magmumula sa Philippine Ammusement and Gaming Coportation o PAGCOR, Philippine Charity Sweepstakes Office at kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.

Facebook Comments