Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na mas mapapalakas pa ang promosyon ng turismo sa Mindanao sa susunod na taon sa kabila ng planong palawigin pa ang Martial Law doon.
Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat – kahit may batas militar ay hindi umano nakakaramdam ng pangamba ang mga taga-Mindanao.
Katunayan aniya, maganda ang naging epekto ng Martial Law sa mindanao at personal niya itong nakita at naranasan sa kanyang pag-iikot sa Zamboanga del Norte.
Hinihikayat ngayon ni puyat ang mga local at foreign tourist na bumisita sa Mindanao kasabay ng pagtitiyak na masisiyahan sila sa magiging bakasyon.
Facebook Comments